Neil Arce, nagpa-tattoo para kay Angel!

Quezon City, Philippines – Huwag kayong magugulat ‘pag nadiskubre n’yong may pakpak na ang indie film producer na si Neil Arce. Resulta ‘yon ng pagpapakasal n’ya kay Angel Locsin nu’ng July.

Limang oras na tumihaya si Neil sa isang tattoo shop kamakailan para magpalagay ng mga pakpak sa kanyang dibdib.

Simbolo ng mga anghel ang pakpak, ‘di ba?

Ipinakita ni Neil nu’ng Sabado sa vlog nilang mag-asawa na The Angel & Neil Channel.

“First time ko magpa-tattoo for a girl. For my wife. I will only do that for my wife, syempre. I know I’ll be with her forever,” deklara ni Neil.

Ibinahagi rin ni Neil sa nasabing videoclip ang dati n’yang opinyon sa mga tao na nagpapa-tattoo, psti na rin ang opinyon nya sa tattoo shops.

“Sabi ko sa sarili ko, I will never work in a place where tattoos that are seen aren’t allowed. Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon na ija-judge ako sa looks ko, or sa personal preference ko na ilagay sa katawan ko,” pahayag ni Neil na nagtapat din na ang kauna-unahan n”yang tattoo ay isang krus para ipabatid sa mundo ang matinding pananampalataya n’ya sa Diyos.

Ibang klase itong si Neil Arce! Danny Vibas



Neil Arce, nagpa-tattoo para kay Angel!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento