VP Leni kay Roque: Wala kang karapatang mam-bully, mambastos

Manila, Philippines – Binatikos ni Vice President Leni Robedo si presidential spokesman Harry Roque sa ‘outburst’  nito laban sa health workers.

Aniya, walang karapatan si Roque na mam-bully ng frontliners na naglalaan ng buhay sa paglaban sa COVID.

“Kaya nga may Inter-Agency Task Force para pakinggan lahat, kung ‘di ka agree okay lang sabihin na ‘di ka agree  pero wala kang karapatan mam-bully (at) mambastos,” saad ni Robredo sa kanyang weekly radio program.

“Kasi kaming mga gov’t official nandyan kami ‘di para sa sarili namin kundi para i-represent ang taumbayan.”

Sa kabila nito, sinabi ni Robredo na may karapatan ang medical frontliners na maglabas ng saloobin at hinaing.

“Yung mga doktor, last year pa sila, ang dami na nilang kasamang namatayan at nagkasakit. Hindi nila deserve ito. Nandun sila para i-represent ang sektor nila kaya sa akin, napaka-misplaced ng galit.” RNT/FGDC



VP Leni kay Roque: Wala kang karapatang mam-bully, mambastos
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento