DPWH Region 1 pinarangalan
DPWH Region 1 pinarangalan

Manila – PINARANGALAN ng Department of Public Works and Highways ang DPWH Region 1 sa pamumuno ni Regional Director Ronnel M. Tan, bilang “‘Top Performing Implementing Unit” ng ahensya, ayon sa pinakabagong datos na inilabas nitong huling bahagi ng buwan ng Agosto 2021.
Nabatid na isinagawa ang parangalan sa ginanap na Unified Directors Meeting nitong Biyernes, Setyembre 10, 2021.
Magkabilaang papuri ang natanggap ni RD Tan mula sa iba’t ibang sektor lalo na mula kay DPWH Secretary Mark Villar.
Sinabi ng kalihim na ang tagumpay ng DPWH Region 1 ay nagpapatunay ng dedikasyon sa serbisyo at galing sa pamamahala ng direktor kasama ang lahat ng bumubuo ng nabanggit na lokal na tanggapan.
Lubos namang tinanggap ni RD Tan ang iginawad ng parangal, kung saan personal nitong pinasalamatan ang lahat ng mga kasamahan na kanyang inilarawan bilang masisipag at maaagap na mga kawani sa pang-araw araw na mga suliranin ng lokal na tanggapan.
Batay sa inilabas na datos, nahigitan ng DPWH Region 1 ang target nitong 87% Absortive Capacity o ang tamang paglaan o paggamit ng budget sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act na nakalaan sa kagawaran, habang umabot naman ng 97% ang kabuuang performance rating nito.
Nanguna rin ang DPWH Region 1 sa wasto at mabilis na paglalaan ng pondo sa unang bahagi ng taong 2021. Ito ay nakamit sa pamamagitan ng mabilis pamamahagi ng pondo sa mga isinasagawang proyekto ng DPWH sa naturang rehiyon.
Si RD Tan ay hindi na bago sa mga pagkilalang ito.
Kung matatandaan, ang direktor ay minsan nang nabigyan ng iba’t ibang pagkilala sa husay at galing nito sa pamamahala tulad ng pagiging most awarded Regional Field Executive sa mga nakalipas na taon.
Ang kasalukuyang parangal na natanggap ng DPWH Region 1 ay magsisilbing inspirasyon sa lahat ng bumubuo ng Regional Office upang lalong gampanan ang kanilang mga tungkulin ng higit pa sa inaasahan sa kabila ng panganib dulot ng Covid-19. MELIZA MALUNTAG
DPWH Region 1 pinarangalan
Source: Filipino Pinoys
DPWH Region 1 pinarangalan
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento