Libreng sakay para sa med frontliners, essential workers, APORs aarangkada na sa Sept. 13

Manila, Philippines – Ibabalik na ang libreng sakay para sa medical frontliners, essential workers, at authorized persons outside of residence (APORs) simula sa Lunes, Setyembre 13.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), palalawigin ang naturang serbisyo sa labas ng Metro Manila sa ilalim ng ikalawang phase ng kanilang Service Contracting Program.

“Ginagawa po natin ang mga ito dahil ang Kagawaran ng Transportasyon ay naniniwala na hindi lamang pang-hanapbuhay ng tsuper at operator — ito po ay kaakibat sa paghahanap-buhay ng iba pa nating kababayan sa Republika ng Pilipinas,” lahad ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sinabing nasa 31.6 milyong Pilipino ang tumangkilik ng libreng sakay sa initial phase ng DOTr. RNT/FGDC



Libreng sakay para sa med frontliners, essential workers, APORs aarangkada na sa Sept. 13
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento