Hiking sa Northern Negros Natural Park bawal muna sa bakbakan ng militar vs rebelde – DENR
Hiking sa Northern Negros Natural Park bawal muna sa bakbakan ng militar vs rebelde – DENR

NEGROS OCCIDENTAL – Ipinag-utos ang pansamantalang pagbabawal sa mga trekking activities at pagpasok sa anumang destinasyon nasa loob ng Northern Negros Natural Park (NNNP).
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil ito sa panganib na dulot ng mga biglaang bakbakan na nagaganap sa pagitan ng mga militar at rebeldeng grupo.
Kabilang sa mga isinara muna ay ang ecotourism site na Tinagong Dagat, Danao Sulfutara, and Tinagong Bato.
“(This is) in the interest of the service and in order to ensure the safety of visitors, trekkers, porters, and guides… due to the insurgency/armed conflict that took place in areas near the protected area,” paliwanag ni Community Environment and Natural Resources Officer Joan Nathaniel Gerangaya.
Sa kabilang banda, mananatiling operational naman ang mga minor trekking activities sa Mayana Peak, Barangay Prosperidad, San Carlos City; Malantan-og at Kawa Falls sa Barangay Kumaliskis, Don Salvador Benedicto; at Malisbog, Dumalabdab, at Pulang Tubig Waterfalls sa Barangay Patag, Silay City.
Ang hakbang na ito ay pag-iingat ng pamahalaan sa posibilidad ng pagkaipit sa bakbakan katulad na lamang ng naganap na engkwentro noong Agosto 20 sa pagitan ng tropa ng 79th Infantry Battalion ng Philippine Army at ng mga miyembro ng New People’s Army na ikinasawi ng dalawang rebelde at isang sundalo. RNT
Hiking sa Northern Negros Natural Park bawal muna sa bakbakan ng militar vs rebelde – DENR
Source: Filipino Pinoys
Hiking sa Northern Negros Natural Park bawal muna sa bakbakan ng militar vs rebelde – DENR
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento