Drone strike na kumitil ng 7 bata, 3 iba pa, ‘tragic mistake’ – Pentagon

AFGHANISTAN – Humingi ng patawad ang US military sa pagkasawi ng 10 sibilyan kabilang na ang pitong bata sa isinagawang drone strike noong Agosto sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa kanila, isa umano itong ‘tragic mistake’.

Matatandaang noong Agosto 29 ay nagsagawa ng drone strike ang pwersa ng US sa isang Islamic State suicide bomber na nagsilbing malaking banta sa US-led troops sa paliparan ng Kabul, ilang araw bago ang nakatakdang complete withdrawal ng pwersa nito sa Afghanistan.

Sa kabila ng ulat ng mga nasawi sa aksyong ito, nanindigan ang top US general na ‘righteous’ ito.

Kumpiyansa si Marine Corps General Frank McKenzie, pinuno ng US Central Command na napigilan ng drone strike ang posibleng mas matinding pinsala at pagkawala ng buhay ng mga tao sa paliparan lalo na sa kanilang mga sundalo.

“Our investigation now concludes that the strike was a tragic mistake,” sinabi ni McKenzie.

Sa kabila nito, hindi pa rin matanggap ng ilang grupo ang hakbang na ito ng Estados Unidos dahil marami ang mga sibilyan na nadamay dito.

Sa huli, paghingi na lamang ng tawad ang naibigay ng Pentagon.

“We apologize, and we will endeavor to learn from this horrible mistake.” RNT



Drone strike na kumitil ng 7 bata, 3 iba pa, ‘tragic mistake’ – Pentagon
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento