Foreign Service Exam ng CSC ipinagpaliban

MANILA, Philippines—Isinantabi pansamantala ng Civil Service Commission (CSC) ang Career Service Examination for Foreign Service Officer (CSE-FSO) na nakatakdang ganapin sa walong testing centers sa Setyembre 12.

Base sa pahayag ng CSC, ang desisyon ay alinsunod sa itinaas na quarantine restrictions ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar ng COVID-19.

Ang examination na gaganapin sa Quezon City, Tuguegarao City at Ilagan, Isabela, San Fernando City, Pampanga, Lucena City, Legazpi City, Cagayan De Oro City, at Davao City ang suspendido muna.

Samantala, inaasahan namang magpapatuloy ang examination sa testing centers ng San Fernando City, La Union; Iloilo City at Bacolod City; Cebu City, Zamboanga City, at Baguio City.

Paalala ng CSC sa mga kukuha ng pagsusulit na tanging ang may suot lamang ng face mask at face shield ang maaaring makapasok sa testing venue. Kinakailangan ding nakasuot ng tamang kasuotan ang examinees at pinapayuhang magtungo sa testing center ng hindi lalagpas sa 6:30 ng umaga. RNT/RG



Foreign Service Exam ng CSC ipinagpaliban
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento