Kristine at Oyo, nagpaka-cheesy sa IG!

Manila, Philippines – Ika-38 kaarawan ni Kristine Hermosa nu’ng nakaraang Huwebes.

Sa halip na tumanggap siya ng regalo ay siya pa ang nagbigay ng present sa pamamagitan ng pag-post ng kissing photo nila ng asawang si Oyo Sotto sa Instagram, na may caption published as is.

The photo came with a sweet caption: “Twelves (12) years ago today…nu’ng naglakas-loob kang mag-propose at naglakas-loob din akong umoo sa iyo…i thank the Lord for guiding us through…38 grateful years…pa-cheesy muna kami. i love you oyo sotto.”

Sa loob ng pagiging mag-asawa nina Oyo at Kristine ay nabiyayaan sila ng limang anak, one of whom is a girl.

Oyo may not be active in showbiz pero may negosyo silang pinagkakaabalahan.

Hindi na rin gaanong aktibo si Kristine sa showbiz bilang tradisyon na rin ng mga married men in the Sotto clan. Hindi kasi nila pinagtatrabaho ang mga misis nila hanggang maaari since the Sotto men are good family providers.

Here’s wishing that Oyo and Kristine continue to inspire other showbiz couples to remain true and faithful to one another hanggang sa kanilang pagtanda.



Kristine at Oyo, nagpaka-cheesy sa IG!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento