Airline industry tulungang iahon – Concepcion
Airline industry tulungang iahon – Concepcion

MANILA, Philippines – Nanawagan si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na kailangan din na tulungan makaahon ang airline industry ngayong panahon ng COVID pandemic.
Ito ay makaraang nakipag-usap umano siya sa mga top officials ng mga malalaking airline company sa bansa upang mapakinggan ang mga hinaing nila patungkol sa kanilang operasyon ngayong nagpapatuloy pa rin ang mga government restrictions.
Maaari rin umanong maapektuhan ang iba pang nasa sektor ng turismo sa oras na bumagsak ang airline industry sa bansa aniya.
“To protect them from bankruptcy and ultimately closing the airlines, airlines have to be viable. Right now the mobility of tourism is kind of restricted. If the airlines do not become viable and they close, masisira ‘yung ibang sektor natin ng tourism,” paliwanag ni Concepcion.
Sa nangyaring pag-uusap, nagbigay umano ng suhestyon ang mga airline company sa maaaring gawin upang masuportahan pa rin ang kanilang operasyon sa gitna ng pandemya.
“We have ideas, katulad ng quarantine, siguro with the idea of Philippine Airlines which was presented, maybe we can reduce the quarantine of incoming passengers back home to the Philippines down from 10 days plus four days at home to maybe seven days.”
Dahil sa mga suhestyon na ito ayon kay Concepcion, kailangang-kailangan talaga na pagtuunan ng pansin at suportahan ang hinaing ng mga nasa sektor na nasa bingit ng peligro sa panahong ito. RNT
Airline industry tulungang iahon – Concepcion
Source: Filipino Pinoys
Airline industry tulungang iahon – Concepcion
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento