Drayber ng trak na nakabundol sa kotse sa Pasig, sumuko na

Manila – SUMUKO na ngayong gabi ang drayber ng trak na responsable sa pagkamatay ng dalawang babae ar ikinasugat ng dalawang lalaki  na kasamang nakasakay sa kotse na binamgga at kinaladkad ng sasakyan ng una kaninang madaling araw sa Pasig Ciry.

Kinilala ang suspek na si Espanto Simplicio, 42 anyos, residente ng Capaco compound, F.P. Felix Avenue Cainta Rizal.

Ayon sa Pasig PNP,, pasado 6:00 ng gabi nang.kusang magtungo sa kanilang tanggapn si Simpilicio at magbigay ng kanyang pahayag.

Aminado ang suspek na nahagip ng likurang bahagi ng trak na minamaneho nito ang harapan ng kotse subalir dahil sa takot ay tumakas ito.

Matatandaan na bandang 2:40 kaninang madaling araw nang maganap ang insidente sa C5 Road Flyover Notrhbound, Barangay Ugong, Pasig City

Sakay ng Misubishi Mirage na may plakang DOO 8200 ang mga biktima na sina Ayazeh Esgrina, 36 anyos, Mary Ann Galit 26,    Mal Abdul, 30, at dryber na si Jesus Ilagan Canaleta Jr., 30, kapwa nakatira Concepcion Uno,.Marikina City.

Sinasabi na kapwa binabagtas mg dalawang sasakyan ang C5 road flyover patungong norte nang mahagip ng trak ang kotse at makalakad pa ito.

Sa lakas ng impak nawasak ang kanan na bahagi ng Mitsubishi Mirage at naipit sina Esgrina at Galit  na nakaupo sa kanan bahagi ng sasakyan na naging sanhi ng kanilang kamatayan habang itinakbo naman sa magkahiwalay na ospital sina Canaleta at Abdul na nagtamo ng mga pinsala sa kanilang katawan.

Nakapiit na si Simpilicio at nahaharap sa kasong mutiple homicide, seious physical injuries at damage to property. Jan Sinocruz



Drayber ng trak na nakabundol sa kotse sa Pasig, sumuko na
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento