Traffic enforcer at kawani ng munisipyo, tiklo sa drug den

BUTUAN CITY – Shoot sa kulungan ang isang traffic enforcer at kawani ng munisipyo kasama ang tatlong iba matapos silang mahuli sa aktong humihithit ng droga sa sinalakay na drug den ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency-Caraga at Butuan City PNP, kagabi Agosto 28.

Kinilala ang mga nadakip na sina Wesley Owen Morales, 34 anyos, residente sa Purok 22, Brgy Poblacion, municipal administrative assistant 2; Dennis Doctora, 39 anyos, traffic enforcer, asawa nito na si Dimple Doctora, 44-anyos, pawang mga residente sa Purok 15, Brgy. Poblacion at Louie Villaruz, 34 anyos, mekaniko, residente sa Purok 1, Brgy. La Union, Butuan City.

Batay sa report ng PDEA-CARAGA, dakong 6:20 PM , sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng isang Bryan Paldapan, ng Purok 5, Brgy. Poblacion, Butuan City, na siyang drug den.

Ayon sa awtoridad, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na kalakaran ni Paldapan at agad na isinagawa ang buy-bust operation.

Pagdating sa lugar naabutan ang mga suspek na aktong sumisinghot ng droga.

Nakuha sa mga ito ang 1-selyadong plastic sachet na naglalaman ng shabu, at 7 pang plastic sachet na may laman na may bigat na 10 gramo, cellular phone, mga shabu paraphernalia, 3 aluminum foil strips, P1,000, at buy bust money na P2,100.

Nasa kustodiya na ng PDEA-CARAGA ang mga suspek at nahaharap sa patung-patong na kaso. Mary Anne Sapico


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento