COVID-19 Update: 18,528 bagong kaso, 17,922 gumaling, 101 patay

MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ng 18,528 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong August 29, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Mayroon namang naitalang 17,922 na gumaling at 101 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso na 1,954,023 sa bansa, 7.3% (143,221) ang aktibong kaso, 91.0% (1,777,693) na ang gumaling, at 1.69% (33,109) ang namatay.

Operational naman ang lahat ng laboratoryo noong August 27, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Ayon sa DOH, maari pang tunaas ang mga kaso ng COVID-19 sa susunod na mga araw.

Kaya naman ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19.

Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento