MANILA, Philippines – Pansamantalang binawi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang suspensyon ng pagbabayad sa mga hospital claims.
“We will suspend the implementation of the circular. We will be coming out with an official advisory on this,” sinabi ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo sa isang panayam.
Kamakailan ay maaalalang naglabas ang PhilHealth ng Circular 2021-0013 na naglalaman ng panuntunan kaugnay sa Temporary Suspension of Payment Claims (TSPC) dahi sa ilang isyu umano ng dayaan at manipulasyon sa payment claims ng ilang ospital.
Umani ng mga negatibong kumento mula sa grupo ng mga ospital ang nasabing circular at ibinunyag na may utang pa nga sa kanila ang ahensya ng aabot sa P86 bilyong piso sa claim payments.
Nauna nang nagparamdam si PhilHealth president and CEO Dante Gierran kasabay ng pagdinig sa Senado na kinukunsidera niya ang pagpapahinto sa inilabas na circular.
Positibo naman ang pagtanggap ng Philippine Hospital Association sa aksyong ito.
“The announcement is a happy culmination of a long negotiation where the voice of the people has finally prevailed,” sinabi ni PHA president Dr. Jaime Almora. RNT/JC
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento