PAGBOR NAGPALIWANAG SA PUNA NG COA
PAGBOR NAGPALIWANAG SA PUNA NG COA

NAGPALIWANAG na pala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa naging puna ng Commission on Audit (COA) hinggil sa sinasabing kawalan nila ng kakayahang kolektahin ang mga nakaraan pang dapat na matanggap na bayad sa kanila ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Pinuna kasi ng COA sa kanilang audit report ng taong 2020 na ang pinakamalaking halaga na hindi nakokolekta ng PAGCOR ay mula sa POGO na aabot sa tumataginting na 1.36 bilyong piso, kasunod ng iba pang pasugalan na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon o kapangyarihan.
Sabi ng PAGCOR, bagama’t nalinawan na ang COA sa likod ng sinasabing hindi nakolektang bayad sa POGO, muli nilang idinetalye ang dahilan kung bakit hindi nakolekta ang napakalaking halaga sa naturang gaming operators.
Paliwanag ng PAGCOR, ang malaking halaga ng hindi pa nila nakokolekta na pinuna ng COA ay produkto ng kanilang pinaigting na paglaban sa illegal online gambling at maigting na determinasyong makakolekta ng salapi para sa pondo ng pamahalaan.
Mula raw noong taong 2018 hanggang 2020, puspusan ang ginawa nilang pagsisikap na magsagawa ng imbestigasyon at pananaliksik sa mga hindi nakadeklarang websites na may kaugnayan sa gambling operation na dapat at nakonekta sa lisensiya ng POGO.
Kanila raw natuklasan na marami sa mga website na mistulang salamin lamang ng mga nakadeklarang website ng mga operators na may kahalintulad ding uri ng sugal at may logo at tatak din ng mga ligal na POGO.
Bilang remedyo, nagpataw ang ahensya ng kabayaran na kanilang tinantiya batay sa karaniwang kita ng mga nakadeklarang website na lisensyado bagama’t naglatag sila ng mekanismo kung saan puwedeng maghain ng protesta sa kanilang ahensiya para kuwestiyunin ang halaga ng kanilang sinisingil.
Ang resulta, iprinotesta ito ng mga lisensyadong gaming operator at iginiit na mga illegal operator na nagnanakaw ng kanilang live streams para palabasing ligal ang kanilang website ang karamihan sa ipinapataw sa kanila ng PAGCOR.
Sa kasalukuyan, sinabi ng PAGCOR na patuloy pa ang proseso ng pagsasagawa nila ng pagsusuri batay sa umiiral na panuntunan doon sa mga natuklasang mga website habang ang ilan naman ay naresolba na rin naman.
Depensa pa ng PAGCOR, hindi pa rin nareresolba ang pinunang halaga ng COA na hindi nila nakokolekta dahil na rin sa hindi pa natatapos na protestang inihain ng mga lisensyadong POGO.
PAGBOR NAGPALIWANAG SA PUNA NG COA
Source: Filipino Pinoys
PAGBOR NAGPALIWANAG SA PUNA NG COA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento