P16.11B KITA AT IKA-SIYAM NA “UNMODIFIED OPINION” NAKAMIT NG PAG-IBIG FUND

NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng P16.11 bilyong kita sa unang anim na buwan ng 2021, mas mataas ng 14% kumapara sa nakaraang taon, sa kabila ng mga limitasyong dulot pandemya.

Mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukyang taon, umabot sa P27.17 bilyon ang gross income ng naturang ahensiya. Samantala, ang net income nito ay umabot sa P16.11 bilyon.

Kumpara noong isang taon, ang gross income ng ahensya ay tumaas ng 13%, habang ang net income ay umakyat naman sa 14%, bunsod ng mga kinita nito mula sa housing loans, short-term loans o cash loans, at sa mga trading gains.

“We are happy to report that Pag-IBIG Fund remains strong amid the pandemic. The double-digit increase in our income figures proves that we remain as one of the best performing government corporations in the country today. This places us in a strong position to continue providing social services to more Filipino workers, in line with President Duterte’s directives as we continue to recover from the challenges caused by the pandemic,” sabi ni Kalihim Eduardo D. del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na siyang tumatayong Chairman ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Dagdag pa ni del Rosario, mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, nakapaglaan na ang Pag-IBIG Fund ng P52.22 bilyon upang maipahiram sa 51,206 miyembro nito upang makabili ng kanilang sariling mga tahanan.

Sa kaparehong panahon, nakapagpahiram din aniya ang ahensya ng P25.42 bilyon na cash loans na nakatulong sa higit na 1.18 milyong miyembro sa kanilang pangangailangang pinansyal, lalo’t patuloy parin ang nararanasang krisis pangkalusugan.

Umabot naman sa P37.46 bilyon ang naimpok ng mga miyembro sa nasabing mga buwan, kung saan P15.83 bilyon ang kabuuang halagang naimpok ng mga miyembro nito sa ilalim ng MP2 Savings ng ahensya.

Ibinahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang mga tagumpay na tinatamo ng ahensya ay tagumpay ng mga miyembro nito.

Ito aniya ay sa dahilan na ang malaking bahagi ng kinikita ng ahensya ay ibinabalik sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng dibidendo na kine-credit sa kanilang Pag-IBIG Savings.

Sa ilalim ng Charter nito, inilalaan ng Pag-IBIG ang halagang hindi bababa sa 70% ng kinita nito kada taon bilang dibidendo sa ipon ng mga miyembro.

“The true owners of Pag-IBIG Fund are the Filipino workers. That is why it is our responsibility, as the administrators of the Fund, to manage their contributions prudently and excellently. Last 2020, we gave back 92.15% of our net income to members in the form of dividends, even though our Charter mandates only a 70% minimum. With our strong fiscal standing, our members can rest assured that our programs shall remain available to help them recover from the pandemic and that each hard-earned peso they save with us remains secure and continues to grow,” sabi ni CEO Moti.

Nito lamang Agosto 2021 ay nakuha ng ahensya ang ika-siyam na sunod na “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA). Ito ang pinakamataas na audit rating na iginagawad ng COA sa isang ahensiya ng gobyerno dahil sa maayos na pagtatala nito ng financial statements ayon sa mga applicable financial frameworks.



P16.11B KITA AT IKA-SIYAM NA “UNMODIFIED OPINION” NAKAMIT NG PAG-IBIG FUND
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento