Philippines news
PINALAKAS NG KOMUNIKASYON

ISA sa talagang tinutukan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar magmula nang italaga ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang palakasin ang pamamaraan ng pakikipag-komunikasyon ng pamahalaan sa taong bayan.
Ang mga karagdagan na pagbabago sa teknolohiya ay agad nitong ipinag-utos na maikasa sa lahat ng ahensya o opisina na nasa ilalim ng PCOO upang makasabay sa makabagong pamamaraan ng komunikasyon at maibahagi sa taaumbayan ang mga dapat nilang malaman ukol sa mga ginagawa ng amahalaan.
Ito raw ang sinasaad ng kanilang kampanyang inilunsad bilang Duterte Legacy o pamana ni Pangulong Duterte, ang mapalapit sa publiko, upang maramdaman ang pagmamalasakit ng gobyerno sa mga mamamayan nito.
Umaasa ang kalihim na gagayahin ito ng mga susunod na administrasyon dahil isa ito sa mga responsibilidad ng sinomang namamahala – ang iulat o i-report ang nagagawa ng pamahalaan. Dahil isa rin ito sa mga responsibilidad ng mga maninirahan sa Malacañang sa loob ng anim na taon.
Kasama na rito ang pagpapalakas ng mga social platform ng Philippine Information Agency (PIA); Radio Television Malacañang (RTVM); Radyo Pilipinas; People’s Television Network (PTV-4); Philippine News Agency (PNA ) at ng Bureau of Communications Services.
Sa ngayon, iniulat na rin ni Secretary Andanar na ang mga ahensiyang nabanggit ay may mahigit walong milyong (8 million) followers sa buong bansa. Mainam na paraan ito sa pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga kababayang mga Filipino saan mang panig ng mundo. Hindi pa nga raw kasama riyan ang regional at provincial offices ng mga ahensiyang nasa ilalim ng kanyang opisina.
Ang ‘Integrated News Team’ na kanila ring naisip para pagsama-samahin ang lahat ng platforms ng pamahalaan ay para naman magkaroon ng iisang direksyon ang tatatahakin ng mga ahensyang nasa pakikipagkomunikasyon, nang sa ganun ay makarating sa taaumbayan ang mga dapat nilang malaman ukol sa kanilang pamahalaan.
Sa ganitong mga paraan nga naman ‘di lang makukuha ang mga tamang impormasyon na dapat malaman ni Juan, kung ‘di ay kanya pa itong matitimbang kung talagang natupad na ang mga ipinangako sa kanya noong halalang 2016.
Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, gagamitin na naman ni Juan ang kanyang isipan kung sino ang nararapat manirahan sa Malacañang na sana ay ituloy pa ang mga sinimulan ng Administrasyong Duterte sa larangan ng pakikipag-komunikasyon. Mabuhay ka, Secretary Andanar!
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
PINALAKAS NG KOMUNIKASYON
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
PINALAKAS NG KOMUNIKASYON
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento