GORDON
GORDON, PINAGDUDAHAN SA PIC NA KASAMA NI JAYBEE SEBASTIAN

Kamakailan ay may kumalat na piktyur ni Sen. Richard Gordon habang siya ay nakikipagkamay at nakikipagngitian nang matamis sa isang high profile in-mate na pasimuno ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Kinakantyawan tuloy ng mga kritiko si Gordon na kilalang mabagsik at istrikto kapag may isinasagawang imbestigasyon ang kanyang Blue Ribbon Committee sa Senado dahil sa litratong kumakalat ay sobrang kakaiba ang kanyang “galawan.” Oo nga?
Ang larawan po ay sinasabing kuha noon pang 2013 sa loob mismo ng NBP.
Noong panahong iyon ang kainitan at katalamakan ng droga sa pambansang piitan na ang pasimuno umano’y ay si Jaybee Sebastian. At si Sebastian ang makikitang kakamayan at kangitian ni Gordon sa litrato.
E ‘di ba’t naging “paboritong pasyalan” ng ilang government officials noon ang Bilbid Prison, ilang taon bago ang National at Local elections noong 2016? May ilang natuklasan na dito kumuha ng “pondo” para sa kanilang kampanya.
Si Senator Leila de Lima na dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) ay nasiwalat na nakinabang umano sa pera mula sa umiikot na droga sa NBP at siyang ginamit niya sa pagtakbong senador.
Dahil dito ay nakakulong siya at nililitis ng hukuman sa kasong drug trafficking.
Wala tayong sinasabi na maging ang nguso ni Gordon ay “namantikaan” ng mga druglord sa Bilibid dahil kilala siyang isa sa mga senador na hindi papayag pasuhol. Ngunit sa paglitaw ng litrato ng “kamayan at ngitian” nila ni Jaybee Sebastian sa social media, marami ang namalisyahan ang isip at nagtatanong.
Kung wala kang malisya ay magkakaroon ka talaga ng malisya.
Sinabi pa ng mga kritiko at tagamasid sa pulitika na dapat ay imbestigahan din ngayon ng Senate blue ribbon committee kung ano ang ibig sabihin ng pagbisita ni Gordon kay Jaybee Sebastian. Ngunit sino ang mag-iimbestiga kung ang pinuno ng nasabing komite ay si Gordon mismo? Sinooooo?
Marami tuloy ang nagsasabing “lumiit ang kanilang pagtingin” kay Gordon simula nang lumabas ang litrato dahil kabaligtaran ito ng ipinapakita niya sa mga imbestigasyon sa Senado. Si Sebastian ay napasok sa NBP o mas kilala sa tawag na Munti noong 2009 matapos mahatulan sa kasong kidnapping at carjacking.
Hindi nagtagal, siya ay naging lider ng isang notoryus na gang sa Bilibid na kinatakutan, hindi lang ng mga kapwa preso, kundi maging ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Correction dahil sa kanyang malakas na impluwensiya sa mga politiko at opisyal ng gobyerno.
Inamin mismo ni Sebastian sa imbestigasyon ng Kongreso na naghahatag siya ng pera sa mga politiko at opisyal ng gobyerno noon para proteksyonan ang kanyang illegal drug trade.Bukod kay Sebastian, may ilan pang Bilibid druglord na nagbibigay din ng pondo para sa kampanya ng mga pulitiko.
Noong 2020, natagpuang patay si Sebastian at ang sinasabing dahilan ay COVID-19.
Dahil tigok na si Sebastian, sino pa ang magsasabi kung sino-sino pang senador at mga politiko ang “tumutuka sa kanyang palad?
GORDON, PINAGDUDAHAN SA PIC NA KASAMA NI JAYBEE SEBASTIAN
Source: Filipino Pinoys
GORDON
Philippines news
PINAGDUDAHAN SA PIC NA KASAMA NI JAYBEE SEBASTIAN
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento