COVID Update: 61 patay; 22,820 bagong kaso; 12,337 gumaling

MANILA, Philippines – Nakapagtala ngayong September 9 ng 22, 820 na bagong kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Batay ito sa naantalang case bulletin ng Department of Health.

Sa datos, ang kabuuan ngayon na kaso ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na sa 2,161, 892.

Ang mga gumaling naman ay nadagdagan ng 12,337 dahilan para umabot na sa 1,960, 487.

Nasa 61 naman ang nadagdag sa mga pumanaw kaya umabot na sa kabuuang 34,733.

Mula naman sa kabuuang kaso ng COVID-19, ang aktibong kaso ngayon sa bansa ay nasa 166,672.( Jocelyn Tabangcura-Domenden)



COVID Update: 61 patay; 22,820 bagong kaso; 12,337 gumaling
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento