Belgica ‘honored’ sa nominasyon sa PDP-Laban Senate slate

 MANILA, Philippines—Inilarawan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica bilang “great honor” ang kanyang nominasyon bilang guest candidate sa Senate slate ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

“Karangalan ko na po ang makapaglingkod sa tao.

Kaya ang mabigyan pa po ng tiwala na maipagpatuloy po ito ay mas malaking karangalan po para sa akin,” hayag ni Belgica sa isang Facebook post ngayong Huwebes.

“Pagsusumikapan ko na hindi mabigo ang Pilipino sa inaasahan nila sa akin labanan ang katiwalian sa gubyerno. Lalo na dahil sa dami ng naghihirap dahil sa nararanasang pandemya.”

Habang hindi pa nagsisimula ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs), ipagpapatuloy muna ni Belgica ang pagpapatibay sa mga hakbang laban sa korapsyon na kanyang nasimulan bilang PACC chief. Pinasalamatan din ni Belgica ang PDP-Laban, Pangulong Duterte, at Senator Christopher ‘Bong’ Go sa kanyang nominasyon. RNT/RG



Belgica ‘honored’ sa nominasyon sa PDP-Laban Senate slate
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento