PhilHealth, muling kinalampag ni Poe

MANILA, Philippines – Bukod sa pagsususpinde sa circular na ipinatitigil ang pagbabayad, muling kinalampag ni Senador Grace Poe ang  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ang lahat ng balidong paghahabol ng mga ospital.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na maliit na hakbang lamang ang pagsususpinde ng circular ng PhilHealth sa uminit na sitwasyon na nagbabanta sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sanhi ng hindi nababayarang obligasyon sa mga pagamutan.

“What we’ve been wanting all along is for the state health insurer to declare that it has reimbursed all valid claims of our hospitals,” giit ni Poe.

“We expect PhilHealth to enforce a fast turnaround time in settling its dues and improve operational efficiency in processing claims,” dagdag niya.

Sinabi ni Poe na  hindi tama na kapag patuloy na naantala ang pagbabayad sa obligasyon  ng kompanya  sa gitna ng rumaragasang pandemya na magbibigay ng matinding dagok  sa ating sistemang pangkalusugan.

“Papaano makakapagbigay-serbisyo ang mga ospital sa ating mga kababayan kung sila mismo ay naghihingalo na dahil sa utang ng PhilHealth?,” giit ni Poe. Ernie Reyes



PhilHealth, muling kinalampag ni Poe
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento