2-3 bagyo asahan sa Setyembre – PAGASA

MANILA, Philippines – Inaasahang dalawa hanggang tatlong bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan ng Setyembre.

Ito ang sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas ngayong Martes, Agosto 31.

Sa kanyang pang-alas kwatrong ulat, papangalanang Jolina, Kiko at Lannie ang mga ito.

Posible rin umanong sa Samar at Luzon mag-landfall ang mga ito ayon na rin sa Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS).

Pwede rin umanong daanan ang Cagayn valley.

Sa ngayon, tanging ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) lamang ang nakakaapekto sa bansa. RNT/JC



2-3 bagyo asahan sa Setyembre – PAGASA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento