Heart, iniyakan ang pagiging madrasta 

Manila, Philippines – Sa vlog ni Karen Davila, inamin ni Heart Evangelista na malaking struggle at adjustment sa kanya ang pagiging madrasta sa kambal ng mister na si Chiz Escudero na sina Chesi at Quino.

Katunayan, iniyakan daw talaga niya noon ang pinasukang buhay.

Feeling niya kasi, napakabata pa niya para maging stepmother nang ikasal siya kay Chiz.

Hindi rin daw naging madali sa kanya na tanggapin na may kahati pala siya sa oras at atensyon ng Sorsogon governor.

“At the beginning, I was really having a hard time, like talagang umiiyak ako. Umiyak talaga ako kasi I’m so young in the mind, I’m super sheltered. I don’t know anything, and then all of a sudden, now I can finally make out freely with my husband pero hindi pwede or dahil kambal ‘yung anak niya. I shared this before. “Hawak hawak niya yung dalawang kamay so ako lahat ng paperbags, ang sakit sakit na ng ganito ko sa outlet. ‘Pag nakita ako ng nanay ko, ‘This is exactly what I…’, ganyan ganyan,”  aniya.

Sa ngayon daw, nakapag-adjust na siya sa kanyang role bilang asawa ni Chiz at stepmom sa mga anak nito.

Nakakapag-bonding na rin daw sila ng anak na babae ni Chiz who’s also into fashion.

Mula nang maging stepmother siya ay maging matured na siya.

“I realized also na, it’s not always about you. These are kids, they’re gonna have their bad days, maybe 97% of the time at a certain age,” paliwanag niya.

Giit pa niya, never daw niyang ipinilit sa mga bata na kapalit siya ng biological mom ng mga ito.

“You can never be their mom,” sey niya. “So don’t pretend or don’t try to be their mom,” dugtong niya. Archie Liao



Heart, iniyakan ang pagiging madrasta 
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento