Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) na posibleng lumobo ang kaso ng COVID sa bansa sa mga susunod na araw kasabay ng pagbaba ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
“Kapag tinignan po natin ang ating mga projections mukhang tataas pa rin po talaga ang mga kaso sa mga susunod na araw,” lahad ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa virtual public briefing.
Giit ni Vergeire, hindi lamang “community quarantine lockdown” ang susi sa pandemya.
“Nag-usap po ang ating mga eksperto kasama ng ating iba’t ibang ahensiya on data analytics. Nakita natin na ito pong ginawa nating ECQ compared to our previous ECQs parang hindi magkakaroon ng malaking dent o epekto dun sa tumataas na mga kaso dahil ang dami na pong modifications.”
“So what we recommended would be MECQ but there should be granular lockdown at kailangan talaga mapukpok natin na tumaas po ang bakunahan,” pahayag pa nito.
Batay sa DOH projections, sinabi ni Vergeire na ang Metro Manila ay may 66,000 bagong kaso sa Agosto 31 at karagdagang 269,000 aktibong kaso sa Setyembre 30 sa ilalim ng ECQ.
“Pero kailangan maintindihan ng ating mga kababayan na projections lang po ito. Ang ipinapasok po sa projections mga assumptions.”
“Kung atin pong mai-improve ang ating vaccination, kung atin pong mai-improve ang ating case detection to isolation at compliance to minimum public health standards beyond dun sa pinasok natin sa assumptions natin ay maipapababa pa po natin ito. Ibig sabihin hindi naman certain na mangyayari iyan kung maiaayos natin ang ating response,” paliwanag pa nito. RNT/FGDC
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento