Manila, Philippines – Pumalo na sa 1,824, 051 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ay matapos madagdagan pa ng 16,694 na mataas pa rin na naitalang bilang ng bagong kaso kada araw.
Ang mga gumaling naman ay nadagdagan ng 15,805 kung kaya’t ang kabuuan nito ngayong araw ay umabot na sa 1,668,520.
Mayroon namang 398 na bagong pumanaw dahilan para umabot na sa 31,596 ang namatay sa virus .
Nasa 123, 935 naman ang aktibo na ngayong kaso kung saan ang mga pasyente ay patuloy na ginagamot.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 19, 2021 habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 4.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19 , ayon sa DOH .
Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging paggsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento