Paralympians bibigyan pugay ni PRRD sa virtual send-off ceremony

MANILA, Philippines – Bibigyan pugay ang anim na pambatong Paralympians ng bansa sa isang virtual virtual send-off ceremony bukas na inihanda ng Philippine Sports Commission.

Ipalalabas ng live sa Facebook page ng sports agency ang send off ceremony sa ganap na ikaw 6 ng gabi ng  Huwebes, tatlong araw bago pumunta ang delegasyon sa Tokyo, Japan.

Mismong si President Rodrigo Duterte  ang magbibigay ng message of support sa ating mga para-athletes.

Sa isang interview, sinabi ni PSC Chairman Butch Ramirez na nagpahayag ng suporta ang PSC board sa anim na atleta at himimok silang ienjoy lang ang experience at magpakasaya sa kanilang Paralympics campaign.

Magbibigay din ng pahayag ng suporta sina Senator Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, Congressman Mike Dy, Chairman ng Congress Committee on Youth at Sports at Philippine Paralympic Committee President Mike Barredo sa send off event.

Nakatakdang sumabak ang Pilipinas sa 6 sports events kasama ang Athletics  na lalahukan ni wheelchair athlete Jerrold Mangliwan at para discus thrower Jeanette Aceveda.

Lalahok naman sa swimming event sina Ernie Gawilan at Gary Bejino habang sina Achelle Guion (para powerlifting) at Allain Ganapin (para taekwondo) ay lalahok din sa kani-kanilang sports.

Magsisilbing flag bearer ng bansa si Mangliwan sa opening ceremony at si Gawilan naman sa closing. Makakasama nila si chef-de-mission Francis Carlos Diaz at kanilang coaches sa kanilang layuning makasungkit ng gintong medalya sa Paralympics. Rico Navarro


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento