Matapos muntikang manganib ang buhay dahil sa aberya sa sinakyang helicopter kamakailan, tila ba maging ang nasa Itaas ay nagsasabing marami pang misyon na dapat gawin si Senator Christopher ‘Bong’ Go at tunay na hindi pa iyon ang oras niya.
Nangyari ang nasabing insidente habang tumutupad ng opisyal na tungkulin si Sen. Go papuntang Basilan mula Zamboanga kung saan nakatakdang buksan ang ika-135th Malasakit Center sa bansa.
Kung nagkataon, malaking kawalan sa atin ang butihing senador na siyang nagsusulong ng mga programa at inisyatibong makatutulong sa mahihirap nating kababayan. Kaya naman, inadya ng nasa itaas na sagipin ito at ilayo sa tiyak na kapahamakan.
Ayon kay Sen. Go, hindi nito agad na napagtanto ang tindi ng disgrasyang kanilang sasapitin kung sakali, hanggang sa nakita nito mismo sa kuha ng CCTV ang footage ng kapahamakan na nakaamba.
Ang pangyayaring ito ay hindi naman makapipigil sa senador na ipagpatuloy ang hangarin nitong ilapit sa tao ang tulong medikal na naipamamahagi sa pamamagitan ng Malasakit Centers.
Nasa 2 milyong indibidwal na rin ang nakinabang dito mula ng pasimulan ang programa sa ilalim ng Republic Act No. 11463.
Walang balak si Sen. Go na bumitiw sa adbokasiya nitong makatulong sa sambayanang Pilipino sa abot ng kanyang makakaya na tila ba siyang nilaan na layunin para sa kanya ng Panginoon.
Kung sa iba yan, malamang panghihinaan na ng loob ang sinumang makararanas nito lalo’t hindi biro ang aksidenteng panghimpapawid na talagang kumitil na ng maraming buhay.
Nawa’y sa walang patid na pagseserbisyo ni Sen. Go na laging nakatuon sa kapakanan ng publiko ay patuloy rin itong gabayan at protektahan ng Panginoon dahil maraming Pilipino ang umaasa rito.
Malimit na magkaroon tayo ng opisyal sa pamahalaan na katulad ni Sen. Go na bukod sa angking sipag ay talagang tunay na malasakit ang handog para sa sambayanang Pilipino.
Kaya sana naman ay matagal na panahon pang makapaglingkod sa atin si Mr. Malasakit.
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento