Madam Inutz, nilayasan ang dating manager, lilipat kay Wilbert Tolentino?

Manila, Philippines – Nilayasan ng viral na online seller na si Madam Inutz (Inutil) aka Daisy Lopez ang Star Image Management.

Nag-live sa kanyang Facebook page si Madam Inutz para ianunsyo kung bakit siya umalis sa naturang talent management.

Humingi raw siya ng payo sa kanyang mga kaibigan at pamilya sa biglaang desisyon. Kumunsulta na rin siya ng abogado para maintindihan niya ang nilalaman ng kontrata.

“Unang-una, pumirma ako ng kontrata, ang passport ko paso pero tinanggap nila,” sambit niya.

“Tinanong muna  nila ako kung okey lang ba na kunin nila ‘yung phone number ko para sila na ‘yung sumagot ng lahat ng calls na natanggap ko. Ngayon, hindi na po ako ang sumasagot n’un. Binigay ko ang cellphone ko sa kanila which is mali pala kasi personal number ko ‘yun,” sambit pa niya na tila naguguluhan sa sitwasyon.

Samantala, marami ang nagsasabi na magpahawak na lang si Madam Inutz sa Former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media infuencer at  philanthropist na si Wilbert Tolentino.

Tiyak na maalagaan siya at nasa mabuting kamay ito. Swak sila bilang manager at talent.

“Hindi rin ‘yan mag-aaway sa pera dahil mayaman si Sir Wilbert. Hindi nila pag-uusapan ang komisyon,” pahayag ng isang malapit kina Madam Inutz at Sir Wilbert.

Anyway, may collab ang dalawa sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel kasama si Harlene Hipon. May sorpresang handog si Sir Wil na nagbigay ng P200k sa mag-ina. P100 K para kay Madam Inutz at P100K  sa ermat niya na may sakit.

Sobra naman ang pasasalamat ni  Madam Inutz sa generosity ni Sir Wilbert.

Nitong huli, naglabas na rin ng statement ang Star Image kung saan ay pinapayagan nila ang pag-alis sa kanila ni Madam Inutz. JP Ignacio


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento