Home quarantine posibleng payagang muli – DOH

MANILA, Philippines – Sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga pasilidad sa  bansa,  posibleng  buksan muli ang pag-quarantine sa bahay ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na noon pa naman ay may panuntunan na sa home quarantine depende sa kondisyon .

Sa home quarantine, kailangan may sariling kuwarto, comfort room .

Dapat din aniyang walang kasamang nakatatanda o mga vulnerable tulad ng may sakit o mahina ang immune system.

Regular din dapat itong nababantayan ng mga barangay health workers ang mga naka home quarantine.

Bukod dito ay dapat alam din ng gobyerno ang lagay ng sumasailalim sa home quarantine. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento