Hindi mo ko kayang pabagsakin – Ugas

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Cuban boxer Yordenis Ugas na hindi siya kayang pabagsakin ni Manny Pacquiao sa kanilang nakatakdang laban sa Linggo.

Sa isang press conference, sinabi ni Ugas na handa na itong sagupain ang eight division world champion para sa WBA welterweight title kahit pa ilang linggo lang ang naging preparasyon nito para sa Pambansang Kamao.

“There are no excuses. I have been in this position before but never in a position like this against a legend of the caliber of Manny Pacquiao,” ani Ugas. “But I am certainly ready for the fight and I know that he’s ready.”

“I’m 100% certain he cannot knock me out,” ayon sa reigning WBA welterweight champ. “I’ve done all the work, all the preparation. Over these past six years, I’ve really been hitting my stride and I don’t think Manny Pacquiao can knock me out.”

Naging welterweight champ si Ugas nitong taon matapos alisin ng WBA kay Pacquaio ang titulo  dahil sa hindi pagsagupa ng halos dalawang taon.

Naniniwala si Pacquiao na ang laban kontra kay Ugas ay magiging maganda at ang dalawang boxer ay magkakaroon ng tsansa sa ibabaw ng ring na patunayan kung sino sa kanila ang tunay na kampeon.

“I think it will be good for us to settle it in the ring on Sunday. It will be a good fight,” ani Pacquiao.Rico Navarro


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento