MANILA, Philippines – Iginiit ni dating Commission on Audit (COA) commissioner Heidi Mendoza na ang ulat ng komisyon ay hindi pag-atake sa mga ahensya ng gobyerno.
“Sabi ko nga, tignan natin ‘yung audit report as a vessel to correct those deficiencies and let’s look at the auditors as our partners for development,” punto ni Mendoza sa isang forum.
“Naintindihan ko, sensitive siya kasi nga ang lakas ng pressure… but it’s not the COA, di ba? Ang ano lang ng COA, they issue the audit report,” aniya pa.
Nitong Martes, naging emosyonal si Health Secretary Francisco Duque III sa akusasyon ng COA na aniya ay ikinasira ng dangal at moralidad ng kagawaran.
Kamakailan, napuna ng COA ang hindi maaayos na paggamit ng P67.32 bilyong pondo ng DOH upang tugunan ang pandemya.
Nilinaw din ng komisyon na hindi nito iniulat na dahil ito sa korapsyon.
“Sana nandoon ‘yung tinatawag kong professional response… mechanism ‘yung audit, eh. It’s a formal mechanism of accountability, so kung tinignan siya ng ganoon, mas napagusapan,” punto ni Mendoza.
“Ang akin lang i-stress, kailangan nakipagtulungan doon sa mahabang taon. Kung merong hindi nasubmit pwede naman sabihin na ito muna ang isa-submit ko kasi ganito ganyan. It’s a matter of communicating.”
Sinabi rin ni Mendoza na dating mangunguna ang DOH sa magandang paraan ng paggasta ng pondo.
“There was a time na model ‘yung DOH when it comes to best practices of procurement… and ang leader noon si Sec. Duque,” lahad nito.
“Kung ikaw ay minsan lumutang, nakilala, dahil sa iyong best practices sa isang ahensya, meron din panahon na makita yung kahinaan ng ahensya, kailangan maging pantay ang pagtugon,” saad pa ng dating commissioner. RNT/ELM
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento