Higit 300 Delta case sa NCR galing barangay clusters – DOH

Manila, Philippines – Iniulat na nasa 300 kaso ng Delta coronavirus variant sa Metro Manila ay galling sa clusters ng COVID-19 infection sa mga barangay, batay sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na bahagi ito ng rason kung bakit nagdedeklara ang mga awtoridad ng community transmiision ng Delta variant sa Metro Manila at Calabarzon.

 “Ang datos na meron tayo ay of the 482 Delta cases sa NCR… 358 ay galing sa mga cluster in barangay no’ng tayo po ay nag-imbestiga,” saad ni De Guzman sa  Laging Handa briefing.

“Ang mga nakuha nating information ay hindi na po ma-determine ng ating mga kaso kung kanino po talaga sila nahawa at kung saan-saang setting po sila nagpunta.”

Sa datos na inilahad ni De Guzman, pinakamataas ang Delta case sa Region 3 na may 156 kaso; Region 6 na may 92 kaso; at Region 7 na may 59 kaso.

“Sa ngayon, BARMM na lamang po ang hindi pa natin nade-detect-an ng local Delta case. ‘Yun ay maaaring dahil sa kaunti pang samples na nakukuha natin from that region,” punto pa ni De Guzman.

Samantala, nasa dalawang porsyento lamang aniya ang nasawi sa Delta cases.

“As of now, we have no evidence that Delta is causing less or more severe disease… Severity is still related doon sa either sa age mo because you’re from an older age groups, you have comorbidities, or unfortunately, if you will seek consult later,” RNT/FGDC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento