Duque ‘di updated sa StaySafe app – DILG exec

Manila, Philippines — Iginiit ng opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na baka hindi updated si Health Secretary Francisco Duque III sa progreso ng contact tracing app ng gobyerno na StaySafe.

Ito ay makaraang sabihin ni Duque na wala itong impact sa kinakaharap na pandemya ng Pilipinas.

 

Paliwanag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing, patuloy ang gobyerno sa pagpapalawig ng aplikasyon at ginagamit din ito sa pagpunta sa mga establisimyento ng halos 47 milyong beses.

Natukoy rin ng naturang aplikasyon ang 150 indibidwal na nagpositibo sa COVID na nagtangkang pumasok sa ilang lugar.

“Dahil lumabas, nag-work yung ating StaySafe, hindi sila pinapasok sa establishments na ito. Ito ay isang pamamaraan para mapigilan ang potential na pagkalat nitong COVID-19.”

“Tatawagan namin ang lokal na gobyerno para masabihan na ang isang taong ito ay nag-iikot at dapat pigilan nila gumalaw at i-isolate at quarantine nila kaagad,” lahad pa nito. RNT/FGDC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento