Lagpas kalahati ng ROFs positibo sa COVID 19; paghihigpit mahalaga

Manila, Philippines – Mahalaga pa rin ang pangangailangan ng  paghihigpit sa mga ports of entry , diin ni Dr Alethea De Guzman, Chief ng Epidemiology Bureau ng Department of Health.

Ito ay ayon kay De Guzman dahil ang mga nagpopositibo aniya sa COVID-19 sa mga returning overseas Filipinos ay lagpas na sa kalahati ang nakitaan ng variant of concern.

Sinabi pa na simula noong Pebrero, unti-unti nang tumataas ang mga nagpopositibo sa alinman sa  Alpha, Beta o Delta variant sa ginagawang genome sequencing.

Hindi man aniya matukoy kung paano at saan nakalusot ang positibo sa mga variant na ito lalo na ang Delta.

Kailangan aniyang panatilihing maghigpit hindi lamang ng Bureau of Quarantine kundi maging ang mga lokal na gobyerno na tumatanggap ng mga dumarating mula sa ibang bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento