Manila, Philippines – Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi nila inirerekomenda ang COVID-19 booster shot kahit pa kasama ito sa proposed budget para sa 2022.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ‘minimal’ at ‘incomplete’ pa ang mga ebidensya nito.
“Equity and safety [are] what the government is trying to consider now. Hindi po natin sinasara ang pinto,” saad ni Vergeire sa briefing.
“Alam po natin mangyayari at mangyayari itong booster shots na ito and, actually, we already have saved money for our booster shots for 2022 kung saka-sakali. Nakalagay na po ‘yan don sa aming pinropose na budget.”
Aniya, kinukumpirma pa kung magkano ang saktong proposed amount para sa booster shot ngunit tinatayang ito ay nasa P45 bilyon.
Tiniyak naman ni Vergeire sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang DOH sa DBM, Finance Department, at kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa pagbili ng booster shots.
“We are already doing the planning. Meron na po tayong computations. Ito po ay ibibigay na po natin kapag na-final na natin.” RNT/FGDC
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento