MANILA, Philippines – Tumaas pa ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga Filipino sa ibang bansa, batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Nakapagtala ng DFA ng 946 bagong kaso ng sakit kaya’t umakyat na sa 22,713 ang mga Filipino na tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa.
Gumaling naman ang 205 kaya’t 12,808 na ito sa kabuuan.
Pumalo na rin sa 1,367 ang mga nasawi matapos pumanaw sa sakit ang 35 pa.
Tumaas naman ng siyam na porsyento ang mga aktibong kaso ng sakit.
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang 8,538 Filipino.
Pinakamarami pa ring mga Filipino sa Middle East/Africa ang tinamaan ng sakit, sa kabuuan 12,965 ang kaso sa rehiyon kung saan 6,561 na ang gumaling habang 918 ang nasawi.
Sinundan ito ng Asia-Pacific region na may 5,162 kaso; 3,095 recoveries; 72 deaths.
Naitala rin ang 3,569 kaso sa Europa na may 2,494 recoveries at 130 deaths.
Sa America naman, 1,017 ang naitalang kaso kung saan 658 na ang mga gumaling habang 247 ang nasawi. RNT/ELM
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento