Philippines news
Tulak ng pekeng yosi timbog sa entrapment operation sa Bulacan

Bulacan-Arestado ang isang lalaking nagbenta ng mga hinihinalang pekeng sigarilyo sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad sa bayan ng Balagtas ng lalawigang ito.
Kinilala ni Bulacan Police director PCOL.Lawrence Cajipe ang naarestong suspek na si Adrian Tepace,residente ng Brgy.San Juan.
Sa report,ikinasa ang operasyon nang pinagsanib na puwersa ng Balagtas police at CIDG-Bulacan laban sa suspek bandang 11:30 am nitong Biyernes,August 13 sa palengke sakop ng Brgy.Wawa.
Ayon pa sa report,nabilihan ng pekeng sigarilyo ng poseur buyer ang suspek kaya ito inaresto.
Nakumpiska sa operasyon ang isang karton ng Carnival red,kartonTwo Moon green,karton Mighty green,14 reams ng RGD brown,27 reams Tiger Gold,15 reams Mighty red,16 reams D&B green,20 reams Furong Wang at buy-bust money.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek. (Dick Mirasol III)
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento