DOH naghahanap na ng paraan para mapanatili ang oxygen supply

Manila, Philippines – Naghahanap na ng paraan ang Department of Health ng mga paraan para mapanatili ang oxygen supply sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay public press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kumokonsulta na sila ng eksperto sa pagpapanatili ng suplay ng oxygen.

“Sa ngayon, hindi pa natin ‘yan tinitingnang plano pa for our hospitals and even in the community. Atin pong pinapalawak ang atin pong pagpo-provide ng assistance and hospitals should be able to have sufficient supply for this,” saad ni Vergeire.

Nauna namang sinabi na sapat ang suplay ng oxygen ngunit mabagal ang pag-ikot ng tangke.

Samantala, handa naman ang DOH na maglaan ng tulong sa health care facilties na nauubusan na ng oxygen supply. RNT/FGDC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento