Pinoy Athletes na sumali sa Tokyo Olympics, inukit sa dahon

Manila, Philippines – Iniukit sa dahon ng leaf artist na si Edimar Paclibar ang mga mukha ng mga Pilipinong atleta na nakipagtunggali at nagwagi sa Tokyo Olympics bilang pasasalamat at pagbibigay puri sa mga ito.

“I did this leaf artwork to honor our sports heroes who represented us in the Tokyo Olympics. This is also to recognize the hardships and challenges they went through just to give glory to our nation,” pahayag ni Paclibar sa isang panayam sa CNN Sports Desk nitong Miyerkules.

“The entire country is proud of you and the other recognitions that you will bring,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Paclibar na ang ginamit niya sa paggawa ng mga obra ay dahon ng jackfruit o langka at natapos niya ang 19 na leaf art sa loob ng isang linggo.

Nakapag-uwi ng apat na medalya ang Pilipinas mula sa Tokyo Olympics 2020, ito ang pinakamalaking karangalan na nakamit ng bansa mula ng sumali ito sa Summer Olympics noong 1924. -RNT/Ethel Mangao -trainee


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento