741 DSWD staff ‘fully vaccinated’ na vs. COVID

Kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19 ang 741 na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Central office.

Ayon sa departamento, 655 na tauhan nila ang nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna, ang 86 pa ay nakumpleto na ang kanilang bakuna noong Hulyo 14. 

Naganap ang pamimigay ng ikalawang dose ng COVID vaccine noong Agosto 2 at 4 sa East Avenue Medical Center bilang parte ng pagsisiguro ng ahensya na ligtas ang kanilang mga tauhan mula sa panganib na dulot ng COVID-19.

Nagpatupad din ng vaccination policy ang DSWD sa mahigit 35,000 na empleyado ng ahensya upang suportahan ang programang pagbabakuna ng pamahalaan at makapagsagawa ng profiling sa mga myembro nito bilang mga frontliner batay sa National Vaccination Plan.

“The deployment of vaccines will be in a phased approach depending on the delivery and availability of vaccines and logistical requirements,” pahayag ng ahensya.

“In addition, the execution of the vaccination program will be in accordance with the National Vaccination Plan, that is, all frontline healthcare workers will be vaccinated first before proceeding to the next priority group.” dagdag pa nito. -RNT/Ethel Mangao -trainee


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento