10 palapag na bagong Ospital ng Maynila patapos na sa Disyembre

Manila, Philippines – Inaasahang sa darating na Disyembre nitong taon ay matatapos na ang itinatayong 10 palapag na bagong Ospital ng Maynila.

Ito ang nabatid kasabay sa isinagawang inspeksyon nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Engineer Armand Andres, Engr. Randy Sadac, at OSMA Director Dr. Karl Laqui sa isinasagawang konstruksyon ng nasabing bagong pampublikong ospital gayundin sa model unit nito.

Aang itinatayong bagong  ospital ay bahagi ng kampanya ng pamahalaang lungsod na lalo pang mapalakas ang serbisyong medikal na ihahandog ng libre sa Manilenyo.

Ang itinatayong 10-storey building na Bagong Ospital ng Maynila ay may 384 bed capacity, 12 Intensive Care Units, 20 private rooms, tatlong palapag na parking space, at Helipad.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P2.3 bilyon.  JAY Reyes


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento