Manila, Philippines – Iniulat na fully vaccinated na si Vice President Leni Robredo matapos niyang matanggap ang ikalawang dose ng AstraZeneca nitong Miyerkules.
Sa isang Facebook post, ipinahayag niya na natanggap niya ang ikalawang dose ng bakuna sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City kasama ang kanyang mga staff na gaya niya’y kabilang sa kategoryang A3 ng vaccination program ng pamahalaan.
Sinabi rin ni Robredo na mayroon siyang hypertension.
“Mabilis at maayos pa rin ang sistema. Napakabait ng mga nag-aasikaso na mga from QC LGU, doctors, nurses, teachers, other volunteers,” kwento ni Robredo.
“We were done in about 30 minutes,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Robredo, ang dalawa sa kanyang mga staff noon ay nag aalinlangan pang magpabakuna kontra COVID-19 ngunit ngayo’y kumbinsido na ang mga ito.
Natanggap ng bise presidente ang unang dose ng AstraZeneca noong Mayo 19, 2021.
Batay sa Food and Drug Administration (FDA), tumaas ang efficacy rate ng AstraZeneca mula 70% sa unang dose nito patungo sa 90% matapos matanggap ang ikalawang dose paglipas ng apat hanggang 12 linggo.
Samantala, matatandaang isa sa mga suhestiyon ni Robredo sa kasalukuyang administrasyon ang pagdadagdag sa bilang ng mga binabakunahan kontra COVID-19 at itaas ito sa 750,000 katao kada araw sa gitna ng lockdown na ipinapatupad sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20. -RNT/Ethel Mangao -trainee
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento