Manila, Philippines – Iginiit na huhusto lamang ang healthcare system ng Pilipinas sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID kung tanging severe at critical cases lamang ang ia-admit sa ospital, batay sa Department of Health (DOH).
“The consideration in this projection, the assumption, would be that severe and critical [cases] would occupy hospitals,” lahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire
“No’ng pinakita ‘yung sa NCR, kung tayo ay magtutuloy dito sa two weeks na lockdown tapos magtutuloy tayo into MECQ, naipakita nila dito na ‘yung ating current capacity ay maghuhusto kung severe and critical lang ang ipapasok natin dito sa ating mga ospital.”
Maaalalang matagal nang hinihikayat ng DOH ang mga ospital na mag-admit lamang ng severe at critical cases.
“Napakaimportante po ngayon na talagang atin pong maipatupad ito pong ating navigation of patients so that we will be able to refer them to appropriate facilities, hindi mapuno kaagad ang ating ospital with mild and asymptomatic patients,” paliwanag pa nito. RNT/FGDC
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento