COVID-19 wards sa Biñan punuan na

MANILA – Napuno na ng mga pasyente ang mga COVID-19 ward ng mga ospital sa Biñan, Laguna, ayon kay Biñan City Mayor Arman Dimaguila.

“Meron kaming communication ng mga hospitals dito sa Biñan. Pero as of today, puno na lahat. Naka-connect din naman kami sa One Hospital Command. But the problem is pipila talaga. Matagal ang pila,” pahayag ni Dimaguila. 

Ayon pa sa alkalde, kung magkakaroon ng mga bagong aplikanteng doktor at nurses, muling iko-convert bilang COVID facility hospital ang pamantasan ng PUP.

Sinabi rin niya na sapat ang suplay ng mga oxygen tank sa kanilang lungsod.

“Last week, nag-purchase tayo ng additional 100 [tanks]. Tapos yesterday, 100 tanks na naman binili natin. Good thing, may available pa naman at may nagre-refill pa naman. Unlike before, weekly kami mag-replenish, ngayon daily,” ayon kay Dimaguila.

Samantala, naghahanda na rin ang munisipalidad ng Biñan sa tsansang dumami ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 lalong higit may nakumpirma ng kaso ng Delta variant dito.

Pagbii ng freezer ang naisip ng lokal na pamahalaan ng lungsod upang gawing alternatibong lagayan ng mga bangkay na mamamatay sa COVID-19 habang hinihintay pa itong ma-cremate bunsod ng pagkapuno rin ng mga crematorium sa lungsod.

Sa ospital ng Biñan, 30 katao na ang pumanaw sa loob lamang ng 10 araw.

Ayon sa medical director ng ospital sa Biñan na si Dr. Melbril Alonte, karamihan sa mga pasyenteng dinadala sa ospital ay dead on arrival, ayon sa salaysay ng mga kaanak ng mga ito ay nakaranas ng hirap sa paghinga ang mga pasyente.

Problema din sa bayan ng Sta. Rosa ang pagdami ng mga pasyente sa ospital, sa lobby naghihintay ang mga pasyenteng naghihintay ng mababakanteng kwarto sa isolation facility.

Sinabi ni Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas na maging mga pribadong ospital ay puno na rin naya nahihirapan silang maghanap ng lugar na pagdadalhan sa mga pasyente.

Sa pinakahuling pagtatala, 378 na ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Biñan nitong Lunes habang 142 naman ang mga namatay na. Nasa 739 naman ang aktibong kaso sa munisipalidad ng Sta. Rosa at 255 naman ang namatay dito. -RNT/Ethel Mangao -trainee


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento