Anak ni Pacquiao sumali sa nat’l party – Matibag

Manila, Philippines – Iniulat ni PDP-Laban Secretary-General Melvin Matibag na aktibo ang anak ni Senator Manny Pacquiao na si Jimuel sa national political party para sa paghahanda ng pagtakbo ng kanyang ama sa 2022 presidential bid.

Sa panayam, sinabi ni Matibag na nakaupo si Jimuel Pacquiao bilang Youth Affairs Committee chairman ng Labor Party of the Philippines.

“We also got hold of a document learning that the son of Senator Manny Pacquiao is very active in one of the national political parties.”

“Mukhang there’s a plan sa group nila Senator Manny Pacquiao to put up a lot of national political parties para sa desire niyang tumakbo as presidente para ma-secure nila ang iba-ibang grupo… Since Jimuel Pacquiao is part of it, we are surprised na kasama din pala sila doon,” dagdag pa ni Matibag.

Wala naman aniyang batas ng PDP-Laban ang nilabag patungkol dito.

“Connected lahat ‘yan. Ibig saibihin, he wants to secure na kung s’ya tatakbo siyang presidente meron siyang vehicle kung di man niya makuha ang PDP meron syang back up.” RNT/FGDC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento