Data-sharing technology sa Laguna para sa land transactions sisimulan ng DENR-LMB

Manila, Philippines – Sisimulan ng Land Management Bureau (LMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang online data-sharing system sa munisipalidad ng Bay sa probinsiya ng Laguna upang mapabilis ang proseso ng land titling at mabigyan ng solusyon ang land titling conflicts.

Ayon sa DENR sa ilalim ng proyekto, ang tax declaration records ng local government unit (LGU) ng Bay at ang scanned land records at geospatial information system (GIS) data ng DENR-CALABARZON ay naka-link online at ito ay updated in real-time upang magkaroon ng “coordinated approach” sa pagproseso ng land titling.

Sa press release sinabi ni Secretary Roy A. Cimatu, ang land data-sharing innovation sa pagitan ng DENR at ng Bay municipal government ay ikinokonsedera na una sa bansa.

“With this new data-sharing development, land titling processes administered by the DENR and the Bay LGU will significantly improve, especially in the harmonization of geospatial information and the validation of property owners,” saad ni Cimatu.

Kaugnay nito nilagdaan nina DENR-CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria at Bay Mayor Jose O. Padrid ang memorandum of partnership agreement para sa implementasyon ng data linkage project noong Hulyo 28.

Sinabi naman ni DENR-LMB Director Emelyne V. Talabis, ang ahensiya ay umaasa na mas marami pang LGUs ang makikibahagi sa proyektong ito sa mga darating na taon.

Ang data linkage sa pagitan ng DENR Digital Cadastral Database at Bay LGU’s tax declaration database ay padadaliin sa pamamagitan ng Land Administration Management System (LAMS) ng DENR-LMB.

Sa pamamagitan ng online interface LAMS Gateway, ang palitan ng land information ay gagawin sa pamamagitan ng standard communication protocol kung saan ang external parties tulad ng sa LGU ay magkaroon ng koneksiyon sa pamamagitan ng Real Property Tax System computer software.

Sa kasalukuyan, ang LGUs sa pamamagitan ng kanilang Assessor’s Office ang nagmamantine ng computer system na naprocure mula sa private software developers na namamahala at nag ta-track ng land records at spatial data na ginagamit sa pag-isyu ng tax declarations at para sa Comprehensive Land Use Plan.

Ang pag procure at pamamahala ng computer system ay kinakailangan ng pag-invest ng pera o pag-loan mula sa bangko para sa low-income LGUs. Sakaling may pagbabago sa parcels, ang spatial data ay  tinuturing na “not updated and is rendered outdated and useless over time.”

Dahil din sa outdated spatial data, ang posibleng duplicate o multiple tax declarations para sa iisang lote ay hindi makita na maaaring humantong na magkaroon ng multiple titles para sa iisang lote.  (Santi Celario)


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento