16,17 anyos sa England babakunahan na kontra COVID sa Aug. 23

ENGLAND – Nakatakda nang mabakunahan kontra COVID ang lahat ang 16 at 17 taong gulang na residente ng England sa darating na Agosto 23, ito ay alinsunod sa panukalang target ni British Health Secretary Sajid Javid.

Ayon kay Javid, ang pagbabakuna sa mga naturang kabataan sa itinakdang araw ay magbibigay umano ng immunity bago pa man magsimula ang school year sa Setyembre.

“I have asked the NHS in England to ensure they offer a first dose of the vaccine to everyone aged 16 and 17 by next Monday, Aug. 23, this will make sure everybody has the opportunity to get vital protection before returning to college or sixth form”, aniya.

Nagtamo na ng 130,000 deaths ang Britain sa loob lamang ng 28 araw na ikalawa sa may pinakamataas na naitala sa Europe.

Samantala, pinaluwag na ng pamahalaan ng England ang kanilang COVID-19 restrictions dahil sa malawakang vaccination programs na nagpababa sa bilang ng hospitalization at death.

Tinatayang higit sa tatlong kwarter ng mga British ang nakatanggap na ng dalawang dose at halos 89 porsyento naman ang nakatanggap ng unang dose.

“NHS England has launched a new online walk-in site finder to help 16- and 17-year-olds locate the nearest available centre. Further sites will come online over the coming days and weeks,” saad ng Department of Health. RNT/Riza Guarin-trainee


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento