Philippines news
Zero carbon emission sa bansa, posible! – CCC

MANILA, Philippines – Posible para sa Climate Change Commission na maabot ng Pilipinas ang zero carbon emission.
Ayon kay Albert Dela Cruz Sr. ng CCC nitong Biyernes, Abril 21, kahit na umabot na sa punto na ang bansa ay tuluyan nang makararanas ng mas matinding epekto ng climate change, kakaunti lamang umano ang inilalabas na carbon ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang mga bansa.
Aniya, nasa 1% ng carbon ang naidaragdag ng Pilipinas sa global distribution, alinsunod sa target na Carbon Net Zero at 70% carbon reduction pagsapit ng 2050 sa ilalim ng Paris Agreement.
“Kinakampanya natin sa local level at sa ating mga industry partners na magkaroon din ng kahalintulad na carbon target.”
Ani Dela Cruz, ang carbon emissions ay nagmumula sa malalaking industriya katulad ng mining at cement production, kabilang ang aktibidad ng mga ordinaryong tao sa araw-araw.
Samantala, ibinahagi ng komisyon ang plano nito sa Climate Change Conference o COP29 na gaganapin sa United Arab Emirates upang tutukan ang climate justice action.
“Of course we are looking forward to this international support, international climate funding, and international technology mechanism.”
“Mayroon tayong maraming bagay na dapat baguhin upang maabot natin bilang isang bansa ang tinatawag nating carbon sequestration effort upang maging net zero carbon ng 2050,” dagdag pa niya. RNT/JGC
Zero carbon emission sa bansa, posible! – CCC
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
posible! – CCC
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Zero carbon emission sa bansa
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento