Philippines news
Remulla: Bantag naghayag ng intensyong sumuko

MANILA, Philippines- Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na naghayag ng intensyong sumuko si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, itinuturong mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Sa panayam, ibinahagi ni Remulla na may nagsabi sa kanya na halos lima hanggang anim na araw na ang nakalilipas nang tawagan siya ni Bantag.
“He spoke to my colleague, one of my colleagues, in the Cabinet to say that he may wish to surrender,” pahayag ni Remulla.
“That’s why we’ are not pushing for law enforcement to hurry up the process. But of course, it is the job of law enforcement still to enforce the warrant of arrest,” patuloy niya.
Aniya, ipa-follow up niya ang alok sa kanyang colleague.
Nang tanungon naman kung nais din ni BuCor deputy officer Ricardo Zulueta ana sumuko, sinabi ng Justice secretary na si Bantag lamang ang tumawag.
“It was only Bantag who called up. I don’t know about Zulueta,” aniya.
Nagpalabas ang Muntinlupa at Las Piñas regional trial courts kamakailan ng warrants of arrest laban kina Bantag at Zulueta sa pagpatay sa umano’y middleman na si Jun Villamor at Lapid.
Pinatay si Lapid sa Las Piñas City noong October 3, 2022, habang nasawi si Villamor sa loob ng New Bilibid Prison noong October 18. RNT/SA
Remulla: Bantag naghayag ng intensyong sumuko
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Remulla: Bantag naghayag ng intensyong sumuko
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento