Bato umiyak sa pagkadismaya sa NegOr cops

MANILA, Philippines- Labis na nagalit at nadismaya si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga pulis na sangkot sa mga pagpatay at karahasan sa Negros Oriental, na hindi niya napigilang umiyak.

Ang Negros Oriental ang probinsya ng kontrobersyal mambabatas na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Lumuha si dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief, at bahagya nang makapagsalita nang magsalita kagabi sa closing ng three-day public hearing ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee. Tungkol ang pagdinig sa March 4 assassination kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi niya sa mga pulis na dapat silang magbago at matauhan sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Inihayag pa ng senador na sa pagiging pulis niya ay napag-aral niya ang kanyang mga anak. Ganoon din umano ang kaso para sa ibang PNP personnel, patuloy niya.

Iginiit ni dela Rosa na nagkakamali ang mga pulis sa pag-iisip na masaya siya sa pangunguna sa pagdinig.

Sinabi naman niya sa biyuda ni Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, at halos 50 residente na nagtungo sa Senado para tumestigo sa karahasan, pagpatay, at pangangamkam ng lupa: ‘’When the price to pay for telling your story might be your very life, it is easier to turn your back and stay silent.’’

‘’Thank you for your courage. This is want we need to put an end to his ‘reign of terror’,’” anang senador. RNT/SA



Bato umiyak sa pagkadismaya sa NegOr cops
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento