Proteksyon sa karapatan dignidad ng PDL sentro ng reporma sa Zamboanga jail

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Zamboanga City Jail ang isang recalibrated management strategy upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo nito sa pagprotekta sa mga karapatan at dignidad ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa ilalim ng pangangalaga nito.

Inihayag ni City Jail Warden Jail Superintendent Xavier Solda na nakasentro ang mga programa ng kanyang unit programs tungo sa aktibong community engagement at pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno alinsunod sa BJMP Management Strategy JAIL PLAN 2040.

“We want to ensure that we have working system in place that protects the rights of PDL and respect their dignity as human beings,” ani Solda

“This is the main reason why we are doubling our efforts on paralegal support services to decongest our jails and in creating livelihood opportunities for our PDL,” dagdag pa.

Kamakailan, ang Zamboanga City Jail ay naglunsad ng tatlong karagdagang livelihood programs para sa PDL habang ito ay nananatiling nakatutok sa pagbibigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng suporta ng Zamboanga City Health Office at ng Zamboanga City Medical Center.

Agresibo rin ito sa paralegal na pagsisikap nitong paluwagin ang kulungan na nagresulta sa 105 puntos na pagbawas sa porsyento mula 1,101% hanggang 996% sa huling tatlong buwan sa pakikipag-ugnayan sa mga korte.

“We have a lot of things to do to improve the living conditions of PDL in our unit and we need every support to help them,” paliwanag ni Solda.

Sa kabilang banda, kinikilala ni Solda ang malaking suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ni Mayor John Dalipe na naglaan ng budget para mabakuran ang New Zamboanga City Jail na nakatakdang maging modelong pasilidad sa BJMP kapag natapos na.

Pinasalamatan din niya ang pamahalaang lungsod sa suporta nito sa mga senior citizen ng PDL at persons with disability sa pasilidad at sa pagpapatupad ng mga hakbang nito laban sa ilegal na droga alinsunod sa BIDA Program ng DILG.

Samantala, nanawagan si Acting Chief BJMP Jail Chief Superintendent Ruel Rivera para sa patuloy na pagsisikap sa kapakanan at pag-unlad ng PDL upang pigilan ang muling pagkakasala sa mga kulungan.

Itinulak din niya ang employable skills training at education programs sa PDL para ihanda sila sa kanilang paglaya.

“Patuloy po tayong magsasagawa ng mga angkop na programa na direktang tutugon sa mga pangangailangan ng ating mga PDL upang ganap natin silang maihanda sa kanilang paglaya,” ani Jail Chief Superintendent Rivera.

“Nais din po nating tiyakin na patuloy naming pagsisikapan na makabuo pa ng maraming programa na makatutulong upang upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga PDL habang hinaharap nila ang kanilang mga kaso.” RNT



Proteksyon sa karapatan, dignidad ng PDL sentro ng reporma sa Zamboanga jail
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento